Ipinagmalaki ni Doh Sec. Paulyn Jean Rosell-Ubial na naging matagumpay sila sa kanilang kampanya kontra sa paputok dahil sa pagbaba ng bilang ng nasugatan at walang naitalang nasawi sa nasabing selebrasyon.
Sa ginanap na Press Briefing kamakailan, sinabi ni Ubial na nakapagtala lamang ang Doh ng 350 Fireworks Related Injury na kung saan 348 ang nasabugan ng paputok habang dalawa ang nakalulon ng paputok.
Karamihan din sa mga biktima ng paputok ay mga bata na nasa 15-anyos lamang pababa.
Ayon sa tala ng Provincial Health Office, sa Region 3, isa ang naitalang nasugatan sa Aurora, Tatlumpu’t Walo ang mga biktima ng paputok sa Bataan, Labing siyam dito sa lalawigan ng Nueva Ecija, Pitumpu’t Dalawa sa Bulacan, Limampu’t walo ang kaso ng paputok sa Pampanga, Apat na pu’t lima sa lalawigan ng Tarlac at Dalawampu’t siyam sa Zambales.

262 ang nasugatan sa buong Region 3 dahil sa nagdaang bagong taon.
Nangunguna sa mga paputok na ginamit ng mga nasugatan ang Piccolo na nakapagtala ng Isang daan at Labing siyam na kaso, Kwitis na mayroong Tatlumpu’t apat na bilang ng naputukan,Lusis na may Labing limang kaso, Fountain na may Labing tatlong kaso at Whistle bomb na nakapagtala ng Labing dalawang kaso.
Pangalawa sa pinakamababang kaso ng naputukan ang lalawigan ng Nueva Ecija sa Region 3, kung saan nakapagtala ang Mv Gallego Cabanatuan General Hospital ng Pitong kaso , Apat naman sa Guimba District Hospital, dalawa sa San antonio District Hospital, at tig isa namang kaso sa Bongabon District Hospital at Cho-Science City of Munoz.

Pangalawa ang Nueva Ecija sa Pinakamababang kaso ng naputukan na kabilang na ditto ang Mv Gallego Cabanatuan General Hospital, Guimba District Hospital, San antonio District Hospital, Bongabon District Hospital at Cho-Science City of Munoz.
Payo ni Ubial, maliit man o malaki ang sugat na iyong nakuha dapat pa rin itong ikonsulta sa pinakamalapit na ospital para malapatan ng gamot upang masiguro ang kaligtasan.
Magtatapos sa January 6 ang isinasagawang Surveillance na unang sinimulan noong December 21, 2016.
Nilinaw din ni ubial, na ang Iwas Paputok Campaign ay hindi natatapos sa Enero 2017 dahil mas malalawakin pa ang naturang kampanya kontra paputok sa pamamagitan ng pagsusulong na maaprubahan ang Executive Order na magbabawal sa paggamit ng paputok. -Ulat ni Majoy Villaflor