Gamit ang chess mat, chess pieces, at Chess clock ay sumabak ang limang pares ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan sa unang laban ng Chess Tournament ng Palarong Kapitolyo 2018 kahapon Miyerkules, November 28, 2018.
Sa aming panayam kay Virgilio Paguinto,isa sa kinatawan ng Provincial Sports and Youth Development Office, ang paglalabanan aniya ng mga kawani ay ang Round Robin, maglalaban laban ang sampung kalahok, at magpaparamihan ng panalo, wala rin aniyang limitasyon sa kahit sinong gustong sumali mula sa ibang departamento basta’t kaya ng isang manlalaro.
Dagdag pa niya hindi lamang dapat nakapokus ang bawat pamahalaan mapa-lokal at nasyonal sa iba pang mga sikat na laro katulad ng Basketball at Volleyball sapagkat ang larong chess aniya ay isang napakagandang sports na nabibigyan ng pagkakataon ang lahat mapa- kababaihan na makatunggali ang mga kalalakihan.
Layunin nito ay hindi lamang mapalakas ang katawan bagkus mapatalas ang isipan ng mga kalahok, magkaroon ng kasiyahan sa sa pagtatapos ng taon sa pamamagitan ng isang masayang palaro.
Kabilang naman sa mga departamentong lumahok sa larong Chess ay ang Provincial Budget Office, Provincial Health Office, Provincial Accounting, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office,at Provincial Social Welfare and Development Office.
Ayon naman kay Ace Wenceslao, Disaster Officer 2 mula PDRRMO, hindi siya makapaniwala na makakapaglaro siya sa chess competition.Nagbasa-basa lang aniya siya noon para makakuha ng iba’t ibang techniques and strategies sa larong Chess.
Masaya at Challenging naman para kay JJ Miranda, Clerk 1 ng Assesor’s Office ang mga ganitong palaro.
Nagbigay naman ng Tips si 2-time Chess Champion Eduardo Serrano, Messenger mula sa Provincial Budget Office, katulad ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili, konting pag-eensayo at mahalaga aniya na isa puso dapat ang paglalaro.
Ang mas maraming panalo at mas maraming puntos ang tatanghaling kampeon na makakatanggap ng medals, trophies at cash prizes.
Samantala, nakatakda naman ang Final Chess Tournament sa December 11, 2018 at sa December 12, 2018 naman ang awarding sa para sa tatanghaling over-all champion na Departamento.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.