Personal na iniabot ni 3rd District Congresswoman Cherry Domingo Umali, bilang kinatawan ni Governor Aurelio Matias Umali, sa mga opisyal ng Barangay San Pedro, Gen. Tinio, ang chekeng nagkakahalaga ng 800 thousand pesos mula sa Pamahalaang Panlalawigan para sa pagpapagawa ng Barangay Hall ng naturang lugar.

Bilang counterpart ng barangay sa pagpapatayo ng kanilang bagong Bahay Pamahalaan sila din ay maglalaan ng 200 thousand pesos.

Ayon kay Congresswoman Cherry Umali, mas mapapabilis aniya ang pagpapagawa ng mga proyekto para sa kapakinabangan ng mga residente ng bawat lugar kung ang Pamahalaang Panlalawigan at pamunuan ng mga Barangay ay nagkakatulong-tulong.

Lubos naman ang pasasalamat at katuwaan ng mga residente ng nasabing barangay sa pangunguna ng kanilang punong barangay na si Kapitan Ricardo Tamayo.

Ayon sa kanila, napakalaking tulong para sa kanilang barangay ang mapagtuunan ng pansin ng Pamahalaang Panlalawigan ang kanilang mga pangangailangan at mga kahilingan na hindi naman binigo ng gobernador.-Ulat ni Shane Tolentino

[youtube=http://youtu.be/X9G8kAfKhjc]