Patalbugan sa kani-kanilang kasuotan ang ipinakita ng mga binibini mula sa Fantasy Costume, Casual Wear, Sports Wear, Swim Wear at Long Gown.

Napamangha ni Ma. Patricia Oro, candidate No. 13 ang mga hurado sa kanyang ipinamalas na kakaibang klase ng pagsayaw at pagrampa ng kanyang Fantasy Costume.

Agaw eksena naman sa entablado si candidate number 3 Sharlene Anne T. Barrera sa kanyang motorcycle racing Sports Attire.

Ibang appeal ang ipinakita ni candidate number 12 Michelle Dela Cruz sa pagrampa ng swim wear at maging Miss Photogenic ay nakuha rin ng kandidatang mula sa Brgy. Malapit.

Mala-anghel na mukha naman ang ibinungad ni candidate number 6, Cindy Javate sa kanyang Casual Attire at Long Gown dahilan upang makuha ang award na ito. Bukod sa minor award, naiuwi rin ni Cindy ang Miss Flawless at Model Discovery.

Hinakot ni Candidate number 2, Tracy Valenzuela ang ilan sa mga Special Award tulad ng Miss Natasha, Ms. Friendship, Best in Production Number, at Ms. Cleo Plus.

Ilan pa sa mga Special Award na iginawad sa mga kandidata ay ang People’s Choice Award na naiuwi ni Candidate No. 10, Ms. Ever Bilena Candidate No. 11, at Ms Close-Up Smile Candidate No. 5.

Sa huli, itinanghal si Tracy Valenzuela, Candidate Number 2 bilang Miss Hiyas ng San Isidro 2015.

Inalay ni Tracy ang kanyang pagkapanalo sa Panginoon at sa lahat ng sumuporta ng gabing iyon.

Hindi inakala ng dalaga na siya ang mag-uuwi ng korona kaya labis ang kanyang kasiyahan ng tawagin ang kanyang pangalan.

Bukod kay Tracy, wagi rin sina Cindy Javate Candidate No. 6 bilang 1st runner-up, 2nd runner-up Glaiza Solis Candidate No. 15, 3rd runner-up Ma. Patricia Oro Candidate No. 13 at 4th runner-up Michelle Dela Cruz Candidate No. 12 na nag-uwi rin ng cash prize, sash, trophy at crown.

Isinagawa ang Hiyas ng San Isidro ng Tau Gamma Phi Triskelion-San Isidro Chapter upang gawing halimbawa ang kanilang samahan para sa mga magulang at kabataan sa pamamagitan ng ganitong patimpalak.

Nagpasalamat din ang kanilang samahan sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang nasabing patimpalak.- Ulat ni Shane Tolentino

[youtube=http://youtu.be/8vG39sDQkKQ]