Ipinapanukala ng 2nd District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways ang pagpopondo para sa pagkukumpuni ng mga tulay at kalsada na napinsala dulot ng magkakasunod na kalamidad na tumama sa Nueva Ecija.
Matatandaan na base sa terminal report ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council pagkatapos ng bagyong Karen at Lawin dated October 23, 2016, umabot sa Php165-Million ang mga nasirang infrastructure sa buong lalawigan kung saan Php25.5-Million dito ang halaga ng pinsala sa nasasakupan ng DPWH 2nd DEO.
Sa iprinisentang datos ni Engineer Ferdie Ramiterre sa ginanap na Sierra Madre Summit, karamihan sa mga nasira ay mga tulay, at kalsada dahil sa kawalan nito ng slope protection.
Kaya naman pagtutuunan umano ng pansin ng kanilang tanggapan ang paglalagay nito upang maiwasan ng masirang muli, kabilang din sa mga proyekto para sa taong 2017 ang pagsasaayos ng mga nawasak na kalsada at tulay, at desilting ng Dupinga River sa bayan ng Gabaldon.- Ulat ni Clariza de Guzman