Mahigit sa dalawang libo at walong daang Novo Ecijano ang nangangarap na makapasa sa Career Service Examination Paper and Pencil Test ng Civil Service Commission o CSC ngayong taon.
Ginanap ito sa tatlong eskwelahan na nagsilbing testing centers sa lungsod ng Cabanatuan.
Nahahati ang eksaminasyon sa dalawang kategorya ang Professional at Sub. Professional.
Sa datos ng CSC-Nueva Ecija, 2,557 ang sumalang sa Professional level habang 328 naman sa Sub. Professional level na may kabuuang bilang na 2,885.
Bilang General Ability Test, sinubok ang mga examiners sa vocabulary, grammar and correct usage, paragraph organization, reading comprehension, analogy, logic, numerical reasoning, clerical operations, general knowledge at philippine constitution.
Ang pagpasa sa eksaminasyon ng Civil Service ay isa sa mga paraan upang makapasok ng trabaho o magkaroon ng permanenteng posisyon sa gobyerno.
Ang Career Service Examinations ay may passing rate na 80%. Ilalabas ang resulta ng eksaminasyon sa June 13, 2015.
Samantala, ang susunod na Career Service Examination ay sa October 18, ng kasalukuyang taon. Sisimulan ng CSC na tumanggap ng mga aplikante sa May 25 hanggang September 3, 2015 sa lahat ng Regional at Field Offices sa buong bansa. Maaari ding bisitahin ang kanilang website sa www.csc.gov.ph. -Ulat ni Danira Gabriel