Iba’t ibang disenyo ng kasuotan ng mga modelo ang nagbigay kulay sa kauna – unahang Novo Ecijano’s Modelong Pilipino 2019 Runway competition.
Katulad ng cowboy at cowgirl attire.
Pare-parehas man ng estilo ang casual attire at Official T – Shirt ng mga contestants ay kanya – kanya naman sila ng ipinakitang paraan sa pagrampa nito.
Sa aming panayam kay Ranz Gonzales OIC ng Rap Modeling Production, sinabi nito na layunin ng patimpalak na maipakilala at mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Novo Ecijano na maipamalas ang kanilang kakayahan sa pagrampa upang mahubog pa ang kanilang talento at mapataas ang kanilang tiwala sa sarili .
Itinanghal na Male at Female Grand Winner Novo Ecijano’s Modelong Pilipino 2019 Runway Competition sina John Rey Flores at Alexandra Rose Aguilar.
Mr. at Ms. Tourism naman sina Angel Dumpit at Alexia Villa, Ambassador at Ambassadress sina Deoreel Chris Ramos at Hazel Joy Gungon.
Dream come true para sa Female Grand Winner na si Alexandra Rose Aguilar, na isang future educator ang pagkapanalo sa kompetisyon dahil pangarap niya talagang maging inspirasyon ng mga kababaihan at kapwa nya kabataan.
Hindi naman maitago ang kagalakan ni Deoreel Chris Ramos ang itinanghal na Ambassador sa Runway Competition, dahil nabigyan aniyang muli ang kagaya nyang kabataan ng ganitong oportunidad na maipakita ang kanilang talento.
Nanalo naman na first King and Queen sina Gary Boy Punzalan at Rhicia Fhaye Catabas, 2nd King and Queen si Richard Bondoc at Erlyn Joy Bonifacio habang 3rd King and Queen si Luis Gonzales at Hanna Mae Pascual .
Wagi rin bilang first Prince at Princess si John Dave Galgao at Dyna Faye Garcia , 2nd Prince at Princess si Roldan Galil Magno at Monica Macalalad at 3rd Prince and Princess sina Philip Jorge Soriano at Zindel Razon
Nakamit naman ni Jomar Ciriaco at Mheyann Cacho ang First Runner up sa nasabing patimpalak. Ulat ni Joice Vigilia/Shane Tolentino