Dinala na kahapon sa Philippine National Police sa Camp Crame Quezon City si Ma. Cristina Sergio, ang itinuturong recruiter at siyang responsible umano sa 2.6 kilos na heroin na natagpuang nakasiksik sa maleta ni Mary Jane Veloso, na naging dahilan sa paghahatol sa huli ng parusang kamatayan.

 

Iniutos umano ni Chief Supt. Ronaldo Santos, director of the Central Luzon regional police ang paglilipat kay Sergio kasama ng kaniyang live-in partner na si Julius Lacanilao sa maximum security ng Camp Crame dahil sa pagdagsa ng mga tao na gustong makita si Cristina.

 

Una rito, sa panayam ng Balitang Unang Sigaw kay NEPPO Chief Inspector Julius Manucdoc, kinukumpirma pa umano nila kung totoo ang lumalabas ngayong impormasyon na isa umanong asset ng intelligence ang live-in partner ni Sergio na si Julius Lacanilao.

 

Kinukumpirma na rin aniya nila kung totoo ang lumalabas ngayong impormasyon na isa umanong asset ng intelligence ang live-in partner ni Sergio na si Julius Lacanilao.

 

Dagdag pa ni Manucdoc, masusing pagsisiyasat ang ginagawa ng kanilang hanay sa pag-ungkat kung nasangkot na sa ilang kaso na may kinalaman sa droga si Sergio.

 

Sinubukan naming kuhanan ng pahayag si Sergio ukol sa nangyaring pagpapaliban ng Indonesian government sa pagbitay kay Veloso ngunit hindi ito nagpa-unlak ng panayam.

 

Samantala base sa ilang ulat, naniniwala ang (DFA) Department of Foreign Affairs na kaya ipinagpaliban ng pamahalaan ng indonesia ang pagpataw ng parusang bitay ay upang mabigyan ng pagkakataon si Veloso na tumestigo laban sa lumutang na recruiter.

 

Kabilang sa mga isinampang kaso ng NBI sa DOJ laban kay Sergio ang illegal recruitment, estafa at human trafficking.- Ulat ni Mary Joy Perez

[youtube=http://youtu.be/jAWAcBgmJtk]