Nagsagawa ng sariling bersyon ng daan krus ang ilang grupo ng mga magsasaka mula sa lalawigan upang ibulalas ang kanilang mga hinaing at karaingan sa pamahalaan.

 

Tinawag nilang “Kalbaryo ng Mamamayan” ang patuloy na paghihirap at pasakit na nararanasan sa kakulangan ng suporta ng gobyerno at pananamantala ng ilang malalaking negosyante at komersyante sa tulad nilang maliliit na mga manggagawang bukid.

 

Gutom at kawalan ng hanapbuhay ang unti-unti umanong pumapatay sa katulad nilang mahihirap na sinabayan pa ng mga negosyanteng nagmamay-ari ng ilang gamit sa bukid tulad ng Reaper Harvester o “Halimaw at 2G2S o Ganid, Gahaman, Sakim at Swapang” kung tawagin ng mga magsasaka na siyang umaagaw sa kakarampot nilang kita.

 

Inihalintulad pa ng mga magsasaka ang hirap at pang-aaping kanilang nararanasan sa sakit at dusa ni Hesukristo noong siya ay ipinako sa krus.

 

Kasabay nito, nanawagan ang mga magsasaka sa kapwa nila manggagawang bukid na makipagtulungan at makiisa sa kanilang layunin na maiparating ang kanilang mga saloobin sa pamahalaan.MARY JOY PEREZ

[youtube=http://youtu.be/oXSMPZv3LtQ]