Mapapakinabangan na ng mga taga Bongabon ang bagong tayong building ng Medical Record sa naturang Bayan.
Maaari nang gamitin ng mga mamamayan ng Bongabon ang bagong tayong Medical Record Building sa Bongabon Distrcit Hospital sa Barangay Tulay na Bato Village.
Dito ilalagay o itatago ang mga mahahalagang dokumento, at records ng mga pasyente sa naturang ospital.
Mas pinalawak ngayon ang Medical Records ng ospital kumpara sa dati na maliit lamang ang espasyo.
Ayon sa OIC Chief Bongabon District Hospital na si Dra. Gloria G. Borre Unciano ,marami pang proyekto ang kanilang ikinakasa sa taong 2020 katulad ng geriatric ward para sa mga Senior Citizen.
Nagpasalamat rin ito sa Pamahalaang Panlalawigan na laging nakasuporta sa kanilang adhikain lalo na sa usaping pangkalusugan.
Umabot naman sa 3 milyong pisong pondo ang bagong tayo na Medical Records Building sa BDH.
Maaalala noong taong 2018 sinimulan ang proyekto sa ilalim ng administrasyon ni Former Governor Czarina “Cherry” Umali na ipinagpatuloy ni Governor Aurelio “Oyie” Matias Umali katuwang ang Department of Health – Regional Office III.Ulat ni Joice Vigilia/ Shane Tolentino