Pormal ng nanumpa sa katungkulan ang bagong lupon ng mga opisyales ng NEPCI o Nueva Ecija Press Club Incorporated pagtuntong ng bagong taon.
Ang NEPCI ay organisasyon ng mga mamamahayag sa lalawigan na itinatag noong 1955. Umaabot na sa halos limampo ang rehistradong miyembro as of 2015.
Ginanap ang oath taking ceremony ng labing-apat na mga bagong halal na opisyales sa Aracelis Restaurant, Cabanatauan City sa harap ng guest of honor and speaker na si National League of Barangay Captains President Attorney Edmund Abesamis.
Pinalitan ni Steve Gosuico ng People’s Tonite and People’s Journal ang dating presidente na si Bernie Diaz mula sa himpilan ng DWNE.
Hinati ni Gosuico sa limang letra ng acronym ng Nueva Ecija Press Club Incorporated o NEPCI ang nilalaman ng kanyang mga plano habang nanunungkulan bilang pangulo ng nasabing organisasyon.
Nahalal na Executive Vice President si Grace Sansano ng DZRH, Vice President for Print si Elsa Navallo ng Remate at Vice President for Broadcast naman si Mel Ciriaco ng DWNE.
Nahirang na bagong Secretary si Bong Eraña ng Hataw, Treasurer: Gina Calling ng DWNE, Auditor: Ferdie Domingo ng Manila Standard at Business Manager: Aries Vergara ng DWNE.
Samantala naupo namang Board of Directors Chairman si Julie Reyes ng DWNE, at members sina Arthur Reyes ng DWNE, Jojo de Guzman ng Abante, Marlon Ciriaco ng DWNE, Celso Cajucom ng Manila Times, at Jun-Jun Sy ng GMA.- ULAT NI CLARIZA DE GUZMAN