Sa buong mundo ay kinatatakutan ang sakit na Cancer at dahil dito, ilang mga paraan ang ginagawa ng mga tao upang makaiwas dito. Ngunit, Kung na diagnose ka nang may Cancer ay ilang mga pagkain din ang makatutulong sa paglaban sa nakamamatay na karamdamang ito.

Ang Cancer ay ang malignant tumor na tumubo sa iyong katawan  gayunpaman hindi lahat ng tumor na tumutubo sa katawan ng tao ay cancerous. Sa ngayon ay mayroon nang  mahigit 100 uri ng Cancer sa mundo at dito nga sa lalawigan ng Nueva Ecija  ang Joseph Ray  B. Yang Cancer Institute ay ang lugar kung saan nagpapagamot ang ating mga kababayang positibo na may Cancer.

Ayon sa www.livescience.com,Ito ang ilang cancer fighting foods na makakatulong upang mapuksa ang Cancer.

Ang “one glass of red wine a day” ay sinasabing tumutulong upang  mapabagal ang paglaki ng cancer growth dahil sa resveratrol na matatagpuan  dito. Ngunit kailangan na isang baso lamang ang maconsume sa isang araw dahil ang alcohol intoxication ay na li-link din sa breast, liver and stomach cancers.

Ang  broccoli at repolyo naman ay maganda rin sa katawan mas maganda kung ito ay pan fried at hindi nilalaga dahil ang selenium at sulfophane na meron ito na makukuha mo lamang kung ito ay iyong ngunguyain at hindi  ilalaga lamang.

Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin D naman ay nakakapagpababa ng risk ng colon at breast cancer at nagkapagpapataas ng survival rate ng mga taong may Lung Cancer. Magandang source ng Vitamin D ang sunlight o sinag ng araw at mga isdang katulad ng mackerel, hito at salmon.

Ang mga tao naman na hindi mahilig kumain ng mga pagkaing mayaman sa folate ay napag-alamang may mas mataas na tsansa na magkaroon ng cancer. Ang Folic Acid o Vitamin B9 ay may anti-cancer properties. Ang mga green leafy vegetables, asparagus at beans ang mga pagkaing mayaman sa folate.

Ang mga berries katulad ng strawberries, blue berries, black berries at marami pang iba ay mayaman naman sa ellagic at polyphenol antioxidants na pumipigil sa pag tubo ng tumor.

Ang Cancer ay isang sakit na kayang labanan at maiiwasan ngunit ang Cancer kadalasan sa early stages nito ay walang lumalabas na sintomas. Ang early detection at regular na check-up ang isa sa pinakamabisang paraan upang maagapan ito. Malaki ang maitutulong nito lalo na at mas madaling gamutin ang Cancer kung ito ay maagang ma de-detect – Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio