Sama-samang itinanim ng mga officers at enlisted personnel ng Army Artillery Regiment, katuwang ang mahigit isang daang estudyante ng College of Research and Technology o CRT at ilang miyembro ng Knights of Columbus ang pitong daang Mahogany Seedlings at isang daang Guava seedlings sa Fort Ramon Magsaysay Military Reservation.

Mga estudyante ng College for Reasearch and Technology o CRT na nakiisa sa Tree Planting ng Army Artillery Regiment sa Fort Ramon Magsaysay Military Reservation.
Ayon kay Lt. Col. Rommel Lazaro, ang naturang aktibidad na may temang “Protecting the Environment through planting trees for future generations”, ay inorganisa bilang bahagi ng kanilang pagsuporta sa National Greening Program at pagdiriwang ng Arbor Day.
Layunin ng naturang aktibidad na mapangalagaan ang kapaligiran at labanan ang lumalalang Global Warming sa mundo.
Regular umanong nagsasagawa ng Tree Planting ang Army Artillery Unit sa mga kabundukan at ilang bahagi ng Fort Ramon Magsaysay, at ito ang unang pagkakataon na may nakasama silang mga civilian stakeholders sa pagtatanim ng mga puno.
Nagpasalamat naman si Nueva Ecija PESO Chief Officer Michael Calma, na miyembro din ng Multi-Sectory Advisory Board ng Army Artillery Unit, sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ng mga mahogany at guava seedlings bilang pagsuporta sa pagdiriwang ng Arbor Day.

Nueva Ecija PESO Chief Officer Michael Calma, habang nagtatanim ng Mahogany Seedlings.
Ayon kay Calma, bahagi ng Vision ng Lalawigan ng Nueva Ecija na maging Ecologically sustainable at disaster resilient ang probinsya, na tumutugon aniya sa pamamagitan ng ganitong uri ng mga aktibidades.
Hinikayat din ni Calma ang bawat Organisasyon o indibidwal na maging kabahagi ng pagliligtas sa Inang Kalikasan na magsisimula aniya sa kani-kanilang mga tahanan. -Ulat ni Shane Tolentino