Bumida ang Community Eye Health Project sa ika-apat na distrito ng Nueva Ecija sa pagdiriwang ngayong taon ng World Sight Day sa bansa na ginanap sa San Antonio District Hospital kamakailan.

Sa temang “Universal Eye Health; Eye Care for All”, napili ang naturang proyekto bilang highlight ng selebrasyon dahil nais ng National Comittee for Sight Preservation o NCSP, International Agency for the Prevention of Blindness o IAPB, Lions Clubs International at ng Department of Health na itatag ang Community Eye Health Project sa iba’t ibang district hospitals sa bansa.

Ayon kay Dr. Adora Cruz , Chief Of San Antonio District Hospital, ang naturang proyekto na isinagawa sa distrito ay kinilala bilang kauna-unahang Community Eye Health Program sa buong bansa.

NAGSILBING HIGHLIGHT SA PAGDIRIWANG NG WORLD SIGHT DAY NGAYONG TAON SA BANSA ANG COMMUNITY EYE HEALTH PROGRAM NA ISINASAGAWA SA SAN ANTONIO DISTRICT HOSPITAL.

NAGSILBING HIGHLIGHT SA PAGDIRIWANG NG WORLD SIGHT DAY NGAYONG TAON SA BANSA ANG COMMUNITY EYE HEALTH PROGRAM NA ISINASAGAWA SA SAN ANTONIO DISTRICT HOSPITAL.

Naitatag ang proyekto sa tulong ng ilang non-government offices, DOH  at ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Oyie Umali kung saan nagbigay ito ng mahigit kumulang 6.8 million pesos para sa eye care budget.

Samantala, kasabay na rin ng pagdiriwang ng World Sight Day, opisyal nang binuksan ang Eye Unit ng San Antonio District Hospital.

  OPISYAL NANG BINUKSAN ANG SAN ANTONIO DISTRICT HOSPITAL EYE UNIT KUNG SAAN MAYROON NANG IBA’T IBANG EYE EQUIPMENTS PARA SA PANGGAGAMOT O OPERASYON SA MATA.


OPISYAL NANG BINUKSAN ANG SAN ANTONIO DISTRICT HOSPITAL EYE UNIT KUNG SAAN MAYROON NANG IBA’T IBANG EYE EQUIPMENTS PARA SA PANGGAGAMOT O OPERASYON SA MATA.

Bahagi ito ng Community Eye Health Project kung saan makikita ang iba’t ibang eye equipments na makatutulong para sa mas maayos na serbisyo, panggagamot at operasyon sa mata.

Sa kasalukuyan ay dumarami na ang bilang ng mga natutulungan ng programa, karamihan dito ay ang mga mahihirap o mga taong walang kakayahang magpagamot at magbayad sa mga pribadong ospital.- ULAT NI JANINE REYES.