Naging mabilis ang aksyon ng ama ng lalawigan Governor Aurelio Matias Umali sa pagpapatawag ng meeting sa pagitan ng mga kawani ng gobyernong nakahandang tumulong sa oras ng sakuna.
Ang mga representante ng PDRRMC, Provincial Health Office, Nueva Ecija Provincial Police, DepEd, Bureau of Fire, at marami pang iba ay nagpulong upang i-double check ang mga kagamitan at mga taong nakatalaga na tumulong sa oras ng sakuna.
Naging handa ang probinsya ng Nueva Ecija lalo na at may posibilidad itong tumama sa lalawigan.
Hindi na bago sa lalawigan ang malalakas na bagyo at ang paghahanda para dito ay lalong pinag-iibayo.
Lunes ng gabi (December 8) ay nagpulong muli ang mga kawani ng gobyerno at PDRRMC upang pag-usapan ang paglapit ng Bagyong Ruby sa Gitnang Luzon.
Dahil sa paghina nito ay hindi na ito nakapaminsala pang masyado.
Nag-announce na rin ang ama ng lalawigan Governor Aurelio Oyie Matias Umali ng suspension ng klase para sa araw ng Lunes para sa elementarya at highschool sa buong lalawigan.
Sa Bagyong Ruby ay kitang-kita ang kahandaan ng lalawigan sa mga sakuna at kalamidad, ang pagkakaisa ng iba’t ibang kawani ng gobyerno ay isang matibay na paraan upang masigurado ang kaligtasan ng bawat isa sa lalawigan ng Nueva Ecija. – Ulat ni Amber Salazar