Bumisita sa CLSU si Davao Representative Karlo Nograles upang ilapit sa mga Novo Ecijano na suportahan ang Zero Hunger Bill upang maging isang batas na naglalayon na magkaroon ng karapatan ang bawat isa sa sapat na pagkain. Ilan lamang ang mga mag aaral, representative ng mga magsasaka at barangay sa dumalo sa programa upang mabigyang linaw ang benepisyo ng batas na ito para sa mga maralitang mamamayan.

Zero Hunger Bill, naglalayong wakasan ang kagutuman sa loob ng 10 taon

Ang Zero hunger bill ay alinsunod sa inilunsad na Zero hunger challenge ni United Nations Secretary-General Ban Ki-moon. Na magtatapos sa taong 2030. Layon ng Zero hunger bill na matapos ang kagutuman sa Pikipinas sa loob ng 10 taon pagkatapos itong ilunsad.

Nakapaloob sa comprehensibong solusyon ay ang targeted cash transfer o tukoy na pagbibigay ng salapi sa mga mahirap at labis na mahirap, school feeding program o pagpapakain sa mga mag-aaral sa kanilang eskwelahan at iba pang targeted feeding program para sa mga mahirap at labis na mahirap, mga matatanda, may kapansanan, indigenous peoples, kababaihan at kabtaan kainan ng bayan suporta sa mga maliliit o pang-pamilyang sakahan, tulad ng pagsisiguro na may takdang porsyento ng mga pagkain para sa mga feeding program na manggagaling sa mga sakahang ito.

10 milyong pirma, target ni Rep. Karlo Nograles

Nagkaroon ng petition signing sa bawat dumalo na anila ay makatutulong upang mas mapabilis ang pag apruba sa Zero Hunger Bill. Nagpahayag din  ng suporta ang mga Novo Ecijano lalo pa at hindi na iba sa ilang mga mamamayan ang kahirapan na nagiging dahilan upang magutom ang kanilang pamilya.  Patuloy pa rin ang pag iikot ni representative Nograles sa Pilipinas upang hingin ang suporta ng mga mamamayan at ipaliwanag ang kahalagahan ng Zero hunger Bill upang mapaunlad ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino.- Ulat ni Amber Salazar