KUNG IISA LANG ang negosyante ng CELCOR at ang namumuno sa City Hall, ano nga ba ang uunahin nito: profit o public service? Conflict of interests, ekanga, kailangang isa lang ang piliin.
KAILAN BA NAGING PABOR SA TAUMBAYAN na ang nasa pamahalaan nito ay siya ring nagpapatakbo ng kuryente o anumang negosyo na sakop ang interes ng buong bayan? Papayag ba ang negosyante na malugi sa ngalan ng kawang-gawa?
Alam din natin na yung ibang negosyante, ganid maposisyon sa gobyerno upang maprotektahan ang interes nitong negosyo. Ang mas garapal pa, ginawa na ring gatasan ang kaban ng bayan tulad ng pagpapatakbo nito ng negosyo. GANITO BANG KLASE NG PAMUMUNO ANG KAILANGAN NG MGA CABANATUENO?