Camel ang isa sa mga carrier ng MERS CoV sa Middle East. //photo Wikipedia

Camel ang isa sa mga carrier ng MERS CoV sa Middle East. //photo Wikipedia

Kamelyo sa Middle East ang nakikitang dahilan ng pag kalat ng MERS CoV  sa Riyadh ayon sa World Health Organization. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kontrolado ang MERS CoV sa Middle east  yan ay dahil sa mga kamelyo sa lugar. Kilala ang mga kamelyo na carrier ng Corona Virus at dahil dito ay naipapasa nito sa tao ang Virus na nagiging dahilan upang  kumalat ito. Kaya naman nasugpo ang MERS CoV sa South Korea dahil tao lamang ang maaaring carrier nito  kabaligtaran sa Middle East na hindi lamang mga tao ang kailangang bantayan kundi pati na rin ang mga kamelyo na carrier din nito.

Ayon sa isang panayam ng Arab News kay  Christian Ndmir, World health organization Spokesman;

Christian Ndmir, World health organization Spokesman// photo courtesy of Arab News

Christian Ndmir, World health organization Spokesman// photo courtesy of Arab News

“In the kingdom, camel is the animal source that causes coronavirus outbreak, although the virus is transmitted by infected persons who are often in health care facilities, such as hospitals and medical clinics,”

Umabot na sa 1,065 cases ng MERS CoV ang naitala sa Saudi Arabia at pumatak na sa 471 deaths ang naitala dahil dito. Sa ngayon ay may 583 deaths nang naitala sa buong mundo dahil sa MERS CoV.

As of August 6 2015 ay may sampung katao ang ginagamot sa sakit na MERS CoV sa Saudi Arabia at hanggang ngayon ay nananatiling walang lunas o vaccine para sa nakamamatay na virus na ito.

Wag ipagsawalang bahala ang mga Killer Virus. Ang Ebola at MERS Cov ay dalawa lamang sa mga killer virus na patuloy na nagiging dahilan ng takot sa mga tao sa buong mundo.- Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio