Naudyok man o kusang pumirma at desididong ipatupad ang dagdag-singil sa amilyar o real property tax (RPT) ng 800 porsyento mula sa kasalukuyang antas nito, ipinako nila sa krus ang 270,000 Cabanatueno na napaniwalang walang dagdag na buwis habang sila ang nasa puwesto.
Pag-arangkada ng RPT express, di lang nila iniwan ang mga Cabanatueno kundi sinagasaan pa sa lawak at lalim ng dagdag-pasakit na magiging epekto nito. Kilalanin ang mga guilty sa pagpapahirap ng taumbayan at siyasatin ang kanilang mga dahilan. Karapatan mo bilang Cabaantueno ang alamin at singilin ang mga nagtanggol at pumirma upang ma-apruba ang sapilitang magpapataw sa iyo ng dagdag na pasanin sa panahong ipapatupad na ang dagdag-singil sa amilyar mo.
Ang hatol sa mga konsehal na napako ang pangako na ipaglalaban ang karapatan ng mga Cabanatueno?
Konsehal Jean Cruz– Chairman ng Committee on Laws, Rules, and Regulations. Guilty sa pagpapahirap ng taumbayan.
Konsehal Bunso Roque– Vice Chairman ng Committee on Laws, Rules, and Regulations. Tagapagtanggol ng pagtataas ng singil sa amilyar. Nagtatanggol kahit mali ang ipinagtatanggol. Bawat paliwanag ng tumututol, hinaharang! Motto, ang utos ng hari, hindi mababali.
Konsehal Mario Seeping– member ng Committee on Laws, Rules, and Regulations. Tahimik. Pero noong kinukwestiyon at kinokontra ni kon. Calling ang pagtataas ng amilyar, sumasagot.
Konsehal Angelito Saclolo Jr.– member ng committee. Mabusisi, maraming tanong, at mahilig kumontra. Pero kapansin-pansin na noong dinidinig ang pagtataas ng singil sa amilyar ay nagmamadali at nagtatanggol para maipasa na ang pagtataas ng RPT.
Konsehal Bok Diaz-Tahimik lang pero ng magbotohan sa pagtataas ng singil sa amilyar, kumabila.
Konsehal EJ Joson –Walang ginawa kundi pumirma sa ordinansang magpapahirap sa taumbayan.
ABC Pres. Sergio Tadeo-nagpa-attend ng ilang kapitan. Hindi nagsagawa ng barangay assembly. Ang tanong kay ABC bago aprubahan ang pagtataas ng amilyar, well-represented ba ang mahigit kumulang 270, 000 na botante ng Cabanatuan? Ang sagot ni Tadeo, marami nang patay sa mga botante.
Vice Mayor Jolly Garcia- Presiding Officer, Sangguniang Panlungsod. Pangunahing kasabwat ng mga konsehal sa paglilipat ng panukalang pagtataas ng amilyar mula sa Committee of Ways and Means sa Committee on Laws, Rules and Regulations.
Mayor Jay Vergara-diumanoy nagmamay-ari sa kompanyang FCVC na kinasuhan dahil dinaraya ang Cabanatuan dahil nadiskubre na hindi nagbabayad ng tamang buwis. Si mayor ang humiling sa mga konsehal na taasan ang sinisingil na amilyar sa mga Cabanatueno.
Ang hatol kay Mayor Jay, pinaka guilty sa pagpapahirap sa taumbayan!