SENSITIBONG BALITA‼️
Anim na menor na edad sa Nueva Ecija, dinakip dahil sa motornapping
Kinasuhan ng paglabag sa RA 10883 (Motornapping) ang tatlong menor de edad na suspek sa pagnanakaw ng isang motorsiklo sa Barangay San Vicente, Gapan City.
Base sa report ng Nueva Ecija Police, 3:30 ng madaling araw nang ipuslit ng tatlong bata ang motor na pagmamay-ari ng isang empleyado ng Prime Water District.
Pagkatanggap ng impormasyon ay kaagad naman umanong umaksyon ang Gapan Police kaya bandang 4:30 AM ng araw ding iyon, sa loob ng isang oras ay natunton ang mga suspek at nerekober mula sa kanila ang motorsiklo sa Barangay Sta. Cruz ng nasabing lungsod.
Bagaman sinampahan ng kaso, ang tatlo ay itinurn-over sila ng mga awtoridad sa City Social Welfare and Development Office.
Una rito tatlong batang lalaki na rin na mga menor de edad ang dinakip ng Cabanatuan Police sa Barangay M.S Garcia, Cabanatuan City noong August 6, 2022 dahil sa pagnanakaw ng isang Kawasaki Bajaj CT100 na ipinarada ng may-ari nito na isang tricycle driver sa simbahan ng Katoliko sa Barangay Bonifacio.
Nang mahuli ang tatlong bata ay nakuha sa kanila ang itinakas nilang motorsiklo.