Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinahahatid sa mga Novo Ecijano ng mga bumubuo ng DobolP.com sa pangunguna ni Philip “Dobol P” Piccio dahil lumampas na sa 100,000 ang readership ng DobolP.com simula nang ilunsad ang website nito lamang Agosto 2014.

Nagtala ito ng 100k hits kaninang umaga, Nobyember 11, sa kalagitnanan ng kontrobersyal na baratilyong itinayo sa gitna mismo ng pamilihang bayan ng Cabanatuan. Marami ang tumutol sa pagpapatayo ng baratilyo sa bisa ng Ordnance 51 ni Mayor Jay Vergara dahil sa perhuwisyong dulot nito sa merkado at sa trapiko, lalupa’t magpapapasko. Ginulantang ang pamilihang bayan ng isang kilos-protesta na kinalahukan ng humigit pitong daang Cabanatueno dahil dito. (https://www.dobolp.com/2014/11/11/baratilyong-sagabal-sa-gitna-ng-merkado-perhuwisyo-rin-sa-trapiko/)

Nagsimula ang Dobolp.com bandang Hunyo 2014 at kasabay ng Nueva Ecija Collegiate Sports League (NECSL) Season 3 ay nagsilbi nang boses ng katotohanan at tagapagbalita ng mga kaganapan sa Nueva Ecija ang website bilang multimedia channel ng TV48.

Bukod sa pagbabalita nito ng NECSL 2014, ilan sa mga maiinit na balitang nagbunsod sa numero ng pagbisita sa website ang “Baratilyo, Perhuwisyo sa Cabanatueno”, “800% Amilyar o RPT ni Mayor Jay”, “Unang Sigaw ng Nueva Ecija” at ang mga inabanagan din ng mga Nova Ecijano na “Gandang Novo Ecijao” at “Patok Puntahan” na serye ng mga pangunahing tampok na lugar at personalidad sa Nueva Ecija.

Nagtala naman ng 8,000 fans ang facebook page nitong https://www.facebook.com/dobolp at dito’y nag-aalab ding ipinahihiwatig ng mga Novo Ecijano ang kanilang mga pananaw sa mga kaganapan sa Nueva Ecija, tulad ng ngayo’y usapin sa baratilyo sa pamilihang bayan mismo ng Cabanatuan.