1Nakapagtala ng pinaka mataas na bilang ng naganap na krimen sa buong sa Gitnang Luzon kumpara sa ibang lalawigan ang Bulacan mula buwan ng January hanggang June, 2015.

Batay sa report ng Police Regional Office 3, umabot sa 152 cases ang naiulat na murder o pinagplanuhang pagpatay sa Bulacan; pumapangalawa ang Nueva Ecija na may 100 na kaso.

Ngunit sa kasong homicide ay mas mataas ang Nueva Ecija sa record na 117 cases at Tarlac sa cattle rustling na may 23 nai-report na insidente.

 

Bagama’t bumaba ng mahigit kumulang 50% ang kaso ng physical injury sa Bulacan kumpara noong 2014 ay pumalo pa rin ito sa 2, 271 na kaso sa loob ng anim na buwan ngayong taon, kasunod ang Nueva Ecija na may 1, 944 cases.

Nangunguna pa rin ang Bulacan para sa mga kasong rape na may 192 na kaso, robbery-425, theft -1, 062, at Carnapping o motornapping na may naitalang 352 cases.

 

4

Agent Rogelio Daculla presents the drug situation in Central Luzon and the accomplishments of PDEA RO3 and PNP PRO 3 on anti-illegal drugs campaign.

Samantala- Lumitaw sa ulat ng PDEA sa Regional Peace and Order Council 3 na nangunguna rin ang lalawigan ng Bulacan sa listahan ng pinaka maraming barangay na apektado ng illegal na droga sa bilang na 330 out of 569 barangays.

229 dito ang moderately affected at 101 barangays ang slightly affected.

Nakapag-ulat ang PDEA ng total of 1, 584 operations sa Gitnang Luzon mula buwan ng Enero hanggang Hunyo taong kasalukuyan.

Pinaka marami sa Nueva Ecija na may 366 na naisagawang operasyon, pangalawa ang Bulacan na may 293.

Umabot sa 1, 183 ang naaresto; 364 drug personalities sa Nueva Ecija at 220 sa Bataan.

Ayon sa RPOC 3 sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali, tinututukan ng council ang problema sa illegal na droga dahil sa mga lugar na apektado nito kalimitang mataas ang bilang ng krimen.

Kung mababawasan umano kundi man tuluyang masusugpo ng otoridad ang droga sa Gitnang Luzon ay tiyak na bababa rin ang bilang ng kriminalidad.- ulat ni Clariza de Guzman.