DALAWANG MOST WANTED PARA SA KASONG CARNAPPING, ARESTADO SA NUEVA ECIJA

Nadakip sa magkahiwalay na manhunt operations ng kapulisan ng Nueva Ecija ang dalawang suspek sa carnapping noong February 28, 2023.

Kinilala ang mga suspek na sina Jordan FLORES y Fernandez, Top 10 Most Wanted Person sa bayan ng Guimba; and Jaymark CAINGLET y Curimao, na Top 10 Most Wanted Person naman sa bayan ng Quezon.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 under Criminal Case No. 6610-G-2023 ang dalawa at parehong may recommended bail o pyansang Php 300,000.00 na inisyu ni Hon. Virgin Rose Sharon P. Guillermo-Encomienda, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 32, Guimba.