SENSITIBONG BALITA
BANGKAY NG 12-ANYOS NA BATA, NATAGPUAN SA IRIGASYON SA CABANATUAN CITY; NALUNOD UMANO
Nailibing na ang isang dose anyos na elementary student na natagpuan ang naaagnas na bangkay halos apat na araw matapos itong umalis ng kanilang bahay para maligo sa malapit na irrigation canal sa Cabanatuan City noong Linggo October 2, 2022.
Napag-alaman na ang biktima ay isang grade 5 student, at residente ng Bgy. Si D.S. Garcia ng nasabing lungsod.
Base sa isang panayam kay Nueva Ecija Police Information Chief Franklin Sindac, na ang Grade 5 pupil, pinaniniwalaang ang biktima ay nalunod na nakita ng kanyang nakatatandang kapatid sa tabi ng irigasyon sa Genaro Extension sa Barangay M.S. Garcia, Cabanatuan dakong alas dose ng tanghali.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na umalis ng bahay ang bata alas-singko trenta ng hapon noong Setyembre 28 upang maligo sa nasabing irrigation canal ngunit hindi na ito nakauwi mula noon.
Tumanggi umano ang ina ng biktima na ipa-autopsy ang bangkay ng kanyang anak at isailalim ang pinangyarihan ng krimen sa pagproseso ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).