BARANGAY GINEBRA, SAN MIGUEL BEERMEN, PASOK NA SA SEMIS NG GOVERNOR’S CUP
Pasok na semifinals ang Ginebra San Miguel makaraang pulbusin ang NLEX Road Warriors, 127-93, sa PBA Governor’s Cup sa Araneta Coliseum nitong nakaraang Marso 19 ng gabi.
Hindi na pinaporma ng Gin Kings ang Road Warriors nang kunin ang kalamangan sa score na 56-36 sa first half sa tulong nina Justin Brownlee at Jamie Malonzo.
Sinamantala ng Ginebra ang hindi paglalaro ni NLEX import Wayne Selden, Jr. dahil sa pilay sa kanyang paa.
Sinandalan muli ng Gin Kings sa kanilang panalo si Brownlee na kumamada ng 31 points, 13 rebounds, at 6 na assists.
Makahaharap na ng Barangay Ginebra ang San Miguel Beermen sa semifinal round.
Samantala, pasok na rin ang San Miguel Beermen sa semis
matapos ilaglag ang Converge, 121-105, sa kanilang quarterfinal round sa PBA Governor’s Cup sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.
Kumana ng double-double si Beermen import Cameron Clark sa nakolektang 40 points at 13 rebounds.
Ipinakita ni Clark ang solidong laro nang gumawa ng 16 markers sa third quarter matapos habulin ang limang puntos na bentahe ng Converge sa first half.
Kumamada rin ng 26 points si CJ Perez, dagdag pa ang 12 rebounds, habang gumawa naman ng 20 points ang kakamping si Vic Manuel at hinirang na Best Player of the game.
Maghaharap ang Ginebra at Beermen sa Semis para sa best of 5 kaya malaking adjustment ang gagawin ni coach Tim Cone dahil sa hindi makakapag laro sina Japeth at Tenorio dahil sa injury.
At matinding sagupaan naman sa dalawang super Import na si kabayan Noypi Justine Brownlee laban sa high flyer at shooter na si Cameron Clark.
Abangan natin mga idol ang laban ng Beermen at Ginebra sa Linggo Marso 26, 2023.