Lumabas sa survey ng Social Weather Station na umabot sa 48 percent nitong Hunyo 2022 ang bilang ng mga Pilipino na itinuturing na nabibilang ang kanilang mga sarili sa mahihirap na pamilya.
Sa nasabing survey, mayroong 31 porsiyento ang nagsabing sila ay nasa borderline poor o hindi gaanong mahirap habang 21 porsiyento naman ang naglalagay sa kanilang sarili bilang hindi mahirap o not poor.
Kung ikukumpara noong Abril 2022, ang porsiyento ng mga pamilyang mahihirap ay umakyat mula sa 43 percent habang ang mga pamilya sa borderline ay bumaba mula sa 34 percent at ang pamilyang hindi mahihirap ay bumaba mula sa 23 percent.
Ayon sa SWS, ang tinatayang bilang ng mga self-related na mahihirap na pamilya ay nasa 10.9 milyon noong April 2022 at 12.2 milyon noong June 2022.
Isinagawa ang face-to-face interview sa 1,500 respondents sa buong bansa mula June 26 hanggang 29, 2022.