HALOS PHP200K NA HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA NG NUEVA ECIJA POLICE SA 4 NA SUSPEK
Nagresulta sa pagkakakumpiska sa halos Php200,000.00 na halaga ng shabu at pagkakaaresto sa apat na suspek sa pagbebenta ng nasabing ipinagbabawal na gamot ang inilunsad na magkakahiwalay na Anti-illegal Drugs Operation ng kapulisan sa Cabanatuan at Gapan City noong March 14, 2023.
Kinilala ang mga suspek na nadakip sa Cabanatuan City na sina ZALDY PUNZAL y BANTUG, 46 years old, may asawa, at residente ng Brgy. Pula; at CHESTER DELA CRUZ y ADRIANO, 41-anyos, binata, naninirahan sa Brgy. Sta Cruz, Gapan City.
Base sa report na isinumite kay PCOL RICHARD V CABALLERO, Provincial Director ng Nueva Ecija Police, tinatayang 26.01 grams ng hinihinalang shabu na may halagang Php177,480.00 lahat ang nasamsam mula sa dalawang suspek.
Mahigit kumulang 4 grams ng shabu na may estimated street value of Php27,200.00 ang nakuha kay Punzal sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Josef Sur.
Habang umaabot naman sa 22.01 grams ng ipinagbabawal na gamot na nagkakahalaga ng mahigit Php150,000.00 ang nakumpiska ng mga pulis mula kay Cruz sa buy-bust sa Barangay H. Conception, Cabanatuan City.
Samantala, sa kaparehong operation na isinagawa ng Gapan Police sa Barangay Sto. Niño, Gapan City nasamsam sa mag-live in partner na suspek ang more or less 1.5 grams ng pinagsususpetsahang shabu with an estimated value of Php10,200.00.
Kinilala ang mga suspek na sina MARCELO PALON y Lopez alias ILO, 37 years old, helper, at kanyang live-in partner na si JOYLEX DE LARA y Mariano, alyas MADAM, 38-anyos, vendor, kapwa residente ng Brgy. Alua, San Isidro, Nueva Ecija.
Nahaharap ang apat na suspek sa kasong Violation of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.