Pasakay n asana si Cresencio Constantino sa kanyang Ford Ranger nang lapitan at pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa brgy. Imbunia, Jaen.

Pasakay n asana si Cresencio Constantino sa kanyang Ford Ranger nang lapitan at pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa brgy. Imbunia, Jaen.

    Paghihi­ganti umano ang sinisilip na motibo sa nangyaring pamamaslang sa isang lalaking may mga kaso ng pagpatay na tinambangan ng mga hindi nakilalang sa­larin sa Brgy. Imbunia sa bayan ng Jaen.

     Nagtamo ng labindalawang tama ng bala ng baril sa katawan at namatay noon din ang biktimang si Cresenciano Constantino y Ramos, alyas Boy Thompson, 56-anyos, resi­dente ng Purok 2, Brgy. Pamacpacan sa naturang bayan.

     Sa pagsisiyasat ng pulisya, 5:30 ng hapon, galing ang biktima sa pakikipagkuwentuhan sa tahanan ni Francisco Rivera at pasa­kay na sa kanyang Ford Ranger nang lapitan ng salarin at pinagbabaril.

     Nabatid na sangkot si Constantino sa ka­wing-kawing na mga kaso ng multiple murder, attempted murder, homicide at paglabag sa Batas Pambansa 22 na mga kasalukuyang diniri­nig sa hukuman.

Dead on the spot ang dating pulis na si Lorenzo Paynor at kanyang alalay matapos tambangan sa brgy. Lambakin, Jaen.

Dead on the spot ang dating pulis na si Lorenzo Paynor at kanyang alalay matapos tambangan sa brgy. Lambakin, Jaen.

     Jaen- Kaagad na binawian ng buhay ang isang retiradong pulis at kasama nitong farm helper matapos pagbabarilin hanggang sa mamatay ng hindi nakilalang gun man sa Sitio Muson sa Barangay Lambakin.

     Kinilala ang mga nasawi na sina retired Police Superintendent Lorenzo Paynor y Bartolome,59 , at Donato Taar y Taar, 38-anyos, kapwa residente ng barangay Imbunia.

     Base sa imbestigasyon ng Jaen Police Station, 6:00 ng hapon binabagtas ng dalawa ang Jaen-Zaragoza Road sa Sitio Muson patungong Bgy. Imbunia nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng suspek lulan ng isang pulang kotse.

     Alitan umano sa lupa ang sinusundang motibo ng mga otoridad dahilan sa pagpaslang sa dating pulis.

Masayang nag-iinuman sina Virgilio Calma, at Nelson De Leon sa bahay ni Eric De Leon sa brgy. Gulod, Talavera nang pagbabarilin 3 hindi nakilalang suspek.

Masayang nag-iinuman sina Virgilio Calma, at Nelson De Leon sa bahay ni Eric De Leon sa brgy. Gulod, Talavera nang pagbabarilin 3 hindi nakilalang suspek.

     Talavera- Dalawang katao ang patay habang isa naman ang grabeng nasugatan makaraang pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang suspek habang nag-iinuman sa Barangay Gulod.

     Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Eric De Leon y Santiago, 38, may asawa, driver; at Virgilio Calma y Santiago, 53-anyos; habang sugatan naman si Nelson De Leon y Adriano, 27, binata, welder, pawang mga  naninirahan sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat ng otoridad, 6:20 ng gabi masayang nag-iinuman ang mga biktima sa bahay ni Eric nang biglang sumulpot ang tatlong suspek at bigla na lamang pinagbabaril ang mga biktima.

     Matapos maisagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang mga salarin na naglakad lang patungong palayan.

     May kaugnayan umano sa away sa lupa ang dahilan sa pamamaslang sa tatlong biktima.- ulat ni Clariza de Guzman.