NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS, BALIWAG CITY BULACAN, PANALO SA KANILANG UNANG LABAN SA MPBL 2023

Wagi ang defending champion Nueva Ecija Rice Vanguards at ang nagbabalik na Baliwag City Bulacan sa kanilang unang mga laban sa pagbubukas ng Maharlika Pilipinas Basketball League 5th season sa Star Arena sa Baliwag Bulacan.

Ipinamalas ng mga bata ni coach Jerson Cabiltes ang kanyang 15 players ng Rice Vanguards ang matinding opensa at trap defense para tambakan ng 17 points ang Laguna sa score na 97 -70.

Muli namang pinangunahan ni 4th season MVP Byron Toto Villarias ang Vanguards sa score na 17 points,7 rebounds ,6 STL, at 6 assists katulong si Renz Palma na may 11 points, Jonathan Uyloan, na may 10 pts, Michael Juico, at Stephen Siruma na may tig 9 pts. para depensahan ang kanilang unang panalo sa opening season.

Samantala, tinalo naman ng Baliwag City Bulacan ang Sarangani sa kanilang laban.

Sa 1st quarter lamang ang Bulacan sa score na 17-15, hanggang sa matapos ang 1st half sa score na 32-36.

Pagpasok ng 4th quarter, naging matindi ang laban, lamang ang Saranggani ng 2 points, 73-71 sa last 1:32 seconds sa huling yugto ng matapik ang bola at magka turn over para maitabla ni Levi Dela Cruz sa 73 all nang may 1:12 sec pang natitirang oras.

At naging matindi pa ang laban sa opensa ng Saranggani for the win ng ma steal ni Dela Cruz ang bola sa last 12.7 sec ang kanyang lay up para masiguro ang panalo ng Bulacan.

Best player of the game si Jeric Nacpil na may score na 23pts., 5 reb., Dela Cruz, and Dano De Guzman Buenaventura with 8 points.

Ang team Baliwag City Bulacan ay with teir Mayor at Boss Ronz Yuzon.

Samantala, ang Nueva Ecija Rice Vanguards naman ay with coach Alvin Grey, Coach Derick Evangelista, assistant Coach Engr. Sherwin Llado, at mga coaching staff na mula sa Cabanatuan City.