Pananalig sa oras ng pag-aagaw buhay, nagbigay ng pag-asa kay Pastor Aries at Virginia De Guzman

Matibay na pananalig sa Panginoon sa panahon ng matinding karamdaman ang naging isa sa mga paksa sa Programang Count Your Blessings kung saan nagpatotoo ang mag asawang Pastor Aries and Virginia de Guzman noong Sabado, September 10,2022.

Kwento nina Pastor Aries at Virginia, bagaman ilang dekada na silang nakakilala at sumusunod sa Panginoon ay may mga dumarating pa rin na dagok sa kanilang buhay na sumusubok sa kanilang pananalig sa Poong Maykapal.

Ang simpleng sakit ng ulo ni Pastora Virginia ay isa na palang aneurysm na naging dahilan upang siya ay ma ICU at ma operahan.

Naging matibay nilang sandata sa oras na iyon ay ang kanilang pananalig sa Panginoon.

Payo nina Pastor Aries at Pastora Virginia ay tumiwala sa Panginoon dahil siya ang tugon na magiging susi sa mga problema