Inilibot ng Association of Tourism Officer of Nueva Ecija (ATONE)  ang mga delegado mula sa iba’t ibang parte ng Central Luzon upang ipakita ang mga magagandang atraksyon sa lalawigan,  sa ginanap na 5th  Association Of Tourism Officers of Central Luzon (ATOCEL) Regional Conference  noong August 31, 2018.

Sa isinagawang Tour Immersion hinati sa dalawang batch ang  limandaang tourism officers.

Ang Set A ay nagtungo sa Bongabon, Pantanbangan, San Jose,  at Science City of Muñoz . ang set B naman ay mula Palayan, Talavera, Guimba, Cuyapo At Nampicuan.

Sumama ang crew ng Balitang Unang Sigaw sa set B na unang pumunta sa bayan ng Talavera kung saan ipinatikim sa  turista ang  Gatas ng kalabaw (Carabao’s Milk) sa Dairy Farm, pagkatapos ay dumiretso sa Isdaan na inspired sa bansang Thailand.

Sumunod ay ang Himnasyo  sa bayan ng  Guimba dito ipinatikim sa mga delegado ang kanilang ipinagmamalaking produktong fresh buko juice at panara, pagkatapos ay dinala naman sila Lomboy Farms (Grapes at Guapples Farm) na tinaguriang Pioneer in Philippine Farm Tourism. 

Pagkatapos ay nagtungo naman ang mga  ito sa Dragon Fruit Farms at Mt. Bulaylay Eco-Park sa bayan ng Cuyapo  at ang huling destinasyon ay ang  Holy face of Jesus sa bayan ng Nampicuan.

Sa aming panayam kay Lorna Mae Vero, Provincial Tourism Officer, isa aniyang karangalan na sa lalawigan ginanap ang regional conference dahil magbubukas aniya ito ng mas malaking oportunidad na mapaunlad ang turismo sa probinsiya.

Ipinaliwanag din nito na sa pamamagitan ng Tour Immersion ay naipapakita ang mga magagandang atraksyon na pwedeng puntahan ng mga banyaga sa lalawigan.

Ipinagmalaki rin niya na ang Nueva Ecija ay mayroong Eco Tourism, Agri-Tourism, at Faith Tourism.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.