
Maswerteng nakapasok sa sampung pambato ng Luzon sa darating na Skateboarding Competition 2019 ang Bente-singko anyos na Longboarder na si Jelon Cruz na mula sa Brgy. Sta. Arcadia, Cabanatuan City.
Ayon kay Cruz, marami na siyang nasubukang isports ngunit ang pinakapaborito nito ay ang Skateboarding dahil sa hilig niya sa mga extreme activities.

Bagamat walang sariling gamit ay hindi ito naging hadlang upang panghinaan ng loob. Bagkus naging inspirasyon ito upang lalo siyang maging determinado na maabot ang pangarap niya na makasama sa finalist ng Downhill Skateboarding Competition.

Mas lalo niyang napatunayan na kayang-kayang makipagsabayan ng mga Skate boarders ng lalawigan sa mga magagaling na pambato sa ibang lugar.

Panawagan ni Corpuz, sana ay bigyang-pansin at suportahan ang bawat atleta upang mas makilala pa ang isports na Long Boarding sa buong bansa.

Ang mga lulusot na representante na mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang magiging panlaban sa darating na South East ASEAN Games ngayong taon.
Sa kasalukuyan ay puspusan ang ginagawang pag e-ensayo ni Corpuz para sa nalalapit na laban. -Ulat ni Getz rufo Alvaran