TRIGGER WARNING TALKS ABOUT NUCLEAR
POSIBILIDAD NG NUCLEAR WAR SA PAGITAN NG RUSSIA AT UKRAINE, TUMATAAS
Mataas umano ang posibilidad na umabot pa sa Nuclear War ang sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia, Ito ang binitiwang pahayag ni Russian President Vladimir Putin sa kanyang speech sa Russia’s Human Rights Council sa Kremlin.
Ang Russia ang may pinaka malaking bilang ng nuclear weapon sa mundo kung saan pumapangalawa lamang ang Estados Unidos.
Ang isang nuclear weapon ay may kakayahan na magdulot ng pinsala sa radius na maaaring umabot sa one hundred twenty eight kilometers na maaaring pumatay ng milyong katao.
Ibinasura rin ng Russia ang panawagan ng International Atomic Energy Agency na magkaroon ng demilitarisasyon sa paligid ng Zaporizhzhia nuclear power plant sa Ukraine na ilang beses ng niyanig ng mga pagsabog na dala ng gyera sa pagitan ng dalawang bansa.
Bukod dito, dagdag pa ni Putin na inaasahan niya na tatagal pa ang gyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.