MURANG LARUANG PANREGALO, MABIBILI SA JK TOYS TRADING SA CABANATUAN

Gaya na lamang ng kanilang mga laruang na nagsisimula sa halagang P35 peso bawat isa

Ayon kay Gloria Mactal na isa sa mga nagbebenta ng mga laruan dinadagsa sila ng mga mamimili mula pa sa ibat ibang bayan ng Nueva Ecija .hindi lamang mga taga rito pati na ang mga karatig na Lalawigan gaya ng Baler at Isabela.

Kaya umano murang mura ang kanilang mga laruan at dinarayo ito ng mga wholesalers at retailers dahil sinisiguro nila na ang kanilang mga laruan ay presyong pang masa.

Ang kanilang wholesale ay mula 4 items lamang mabibili mo na ng wholesale at kapag isang piraso naman ang bibilhin ay nag daragdag lamang sila ng P5 to P10 depende sa klase

Ayon naman kay Rica Rose Gutierrez tindera ng mga laruan mas mura at magaganda ang kanilang mga laruan na pangregalo para sa mga bata, mga estudyante

Dinarayo din ito ng mga guro taon taon para pang regalo sa kanilang mga estudyante para maging masaya sila ngayong pasko