Mas pinahaba ng Department of Education ang panahon ng enrollment sa Senior High School (SHS) hanggang June 30, 2016. Dahil isang linggo ng nagsimula ang klase sa mga pampublikong eskwelahan. Ngunit, hanggang ngayon ay hindi pa naaabot ang target na bilang ng mga enrolee ng ahensiya.
Ayon kay Ronaldo Pozon ng DEPED-NE, maaring nagdadalawang isip pa ang mga magulang ng mga bata kung patutuluyin ng pag-aaral kanilang mga anak sa Grade 11.
Sa datos ng DEPED-NE, 6,778 pa lang ang nagpalista na mga bata sa Grade 11. Samantalang, 8,000 ang kanilang inaasahan na papasok na estudyante sa Senior High School ngayong School Year 2016-2017.
Bagaman, konti na lang ang bilang nito. Pipilitin umano nila na mahabol pa ang mga nawawalang bata. Dahil, ang layunin umano ng kagawaran ay mapagtapos ng K-12 curriculum ang lahat ng batang Pilipino.
Sa Mayapyap Integrated High School, nasa 79 pa lang ang bilang ng kanilang Grade 11.
Samantalang, nasa 350 estudyante ang nagtapos ng Grade 10 sa kanilang eskwelahan, noong nakaraang School Year.
Ayon kay Marieta De Lara Guro ng Mayapyap Integrated High School, iniintay pa rin nila na magpa-enroll ang nawawalang 271 mag-aaral na dapat papasok ngayong taon bilang Senior High School Students. -Ulat ni Danira Gabriel