KAPANSANANG PISIKAL NA NAGING DAAN UPANG MAGING PAGPAPALA SA IBA, TESTIMONYANG HATID NI PAPABEAR SA CYB

Ibinahagi ni Vhershan “Papaber” Bulanadi ang kanyang kwento ng tagumpay sa programang Count Your Blessings nina former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo- Umali at Dra. Kit de Guzman noong Sabado, December 3.

Kinapanayam ni Dra kit si Papabear kasama si Joy Senados bilang guest co-host.

Isang empleyado ng munisipyo, focal person para sa mga PWD ng Talavera at isang Youtube Vlogger si Papabear na nagbibigay ng saya sa mga viewers nito sa pamamagitan ng pag se-share ng good vibes sa kanyang mga daily vlogs.

Ipinanganak mang may kapansanan, kwento ni Papabear ay hindi ito naging hadlang upang abutin niya ang kanyang pangarap.

Nagsimula si Papabear mag vlog noong pandemic, ngayon ay mayroon na siyang 280,000 subscriber.

Mensahe ni Papabear sa mga manonood wag matakot na ipakita ang kakayahan at tumulong sa ibang tao

Bukod dito ay nagpamahagi rin ng maagang pamasko at mga assistive devices ang Count Your Blessings kasama ang Pamahalaang Panlalawigan sa Pangunguna ni Governor Aurelio Umali sa mga Persons With Disabilities kasama si Papabear bilang parte ng kanilang maagang pamasako.