MGA PORTER NG PROVINCIAL FOOD COUNCIL, MAITUTURING NA MGA BAYANI NG PGNE

Pasan dito pasan doon, hakot dito hakot doon.

Ito ang araw-araw na ginagawa ng mga bayaning porter sa Provincial Food Council.

Pagkatapos na maikarga ang mga nabiling palay ay dadalhin naman ito sa mga bodega para doon ay muling ibababa ng mga porter.

Ito ang buhay ni Mariano Eufemia mula pa sa Bayan ng Gen.Natividad.

Alas kuatro pa lamang ng madaling araw ay gising na ito para igayak ang kanyang baong pagkain sa pagpasok ng trabaho, pati na rin ng kanyang dalawang anak sa pagpasok sa school.

Ayon sa kanya halos tatlong taon na siyang porter sa PFC.

Ramdam niya rin ang hirap at pagod sa araw-araw na pagpasan ng mga sako sakong palay na binili ng kapitolyo.

Pinakamahirap umano na kanilang nararanasan ay ang matinding init ng sikat ng araw at ang aabutan ng malakas na ulan.

Hindi lamang basa ng pawis ang kanilang nararanasan pati na rin ang basang-basa sa ulan lalo na sa panahon ngayon na bigla na lamang bubuhos ang malakas na ulan.

Nararanasan din niya na pag-uwi ng bahay ay masakit ang kanyang katawan pero kailangan niyang bumangon para sa pangangailangan ng kanyang pamilya at 2 anak na nag-aaral halos nasanay na rin aniya sila sa ganitong trabaho.

Gigising ng madaling araw at uuwi ng hating gabi lalo na kapag ganitong tag-ulan.

Napapawi naman umano ang kanilang pagod kapag nakikita na niyang nakangiti at masaya ang mga magsasaka na nabilhan ng palay dahil ramdam niya ang kasiyahan nito.

Malaking bagay aniya ang programang Provincial Food Council na inilunsad ni Governor Aurelio Umali na matulungan ang mga kagaya niya ring isang magsasaka na mabili ang kanilang palay dahil sa bagsak presyo nito pagdating sa mga traders at sobrang taas ng abono na halos wala nang matitira sa kanila.

Ipinagpapasalamat niya rin sa gobernador na nabigyan sila ng trabaho ng kapitolyo, kahit patapos na ang anihan ay tuloy tuloy pa rin ang kanilang trabaho para sa kanyang pamilya.

Sa kasalukuyan ang PFC ay May 155 na mga porter, 35 driver, 10 truck, 10 mini dumptruck at 2 elf