PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, MAGKAKAIBA SA MGA GASOLINAHAN

Sa pabago-bagong taas baba-presyo ng petrolyo ngayon maraming mga motorista ang naghahanap ng mas murang presyo ng diesel at gasolina.

Pero merong gasolinahan na sobrang mahal at meron namang sobrang mura.

Bakit nga ba hindi pare pareho ang presyuhan ng mga produktong petrolyo sa mga gasolinahan ?

Ang dahilan ng lahat ng ito ay ang batas na Republic Act#8479 o ang tinatawag na Oil Deregulation Law na nagbibigay ng kalayaan sa mga kompanya ng langis na magtakda ng sarili nilang presyo na tinatawag na Competitive Market.

Ibig sabihin hindi kontrolado ng gobyerno ang pagtatakda ng presyo sa mga kumpanya ng langis.

Kaya maraming mga gasolinahan ang ibat ibang ang presyo ng kanilang produktong petrolyo.

Gaya na lamang dito sa Lamarang Gas Station na mas mababa ng P8 ang kanilang diesel at P6 naman sa gasolina.

Samantalang sa ibang gas station na halos isang kilometro lang ang layo mula rito ay mas mahal naman ng P9 ang kanilang diesel at P8 naman sa gasolina.

Ayon sa Department of Energy may ilang dahilan kung bakit taas baba ang presyo ng petrolyo.

Ang isa sa mga dahilan ay ang bentahan sa World Market at ang demand ng supply at ang kompetisyon.