Number one priority umano ni mayor allan gamilla ang programa sa edukasyon sa bayan ng bongabon kaya naman nakipagtulungan ang punong bayan sa global peace foundation, at samsung philippines kaya napagkalooban ng pc tablets, at solar generator ang Tamale Elementary School Annex Jaime Gamilla Elementary School.
Sa pakikipagtulungan ng Samsung, Global Peace Foundation Philippines at DepEd ,kasama pa ang pamahalaang lokal ng bongabon at pamahalaang panlaalwigan ay nabuo ang naturang Turn Over Ceremony.
Kahit malayo at liblib ang lugar ay binigyang pansin ng alkalde ang dalawang paaralan upang ipaabot ang naturang programa para narin sa ikagaganda ng layunin ng paaralan na maibigay ang mas maayos na edukasyon ang mga kabataang nag-aaral doon.
Magandang prebilehiyo ito para sa mga mag-aaral ng Tamale Elementary School na makatanggap ng mataas na kaalaman sa pamamagitan ng modernong teknolohiya.
Ang mga naturang gadget ay magagamit sa pag-aaral ng mga bata pagkat may mga application na nakainstall na siyang maibabahagi ng mga guro para sa kanilang pagtuturo.
Layunin naman ng Global Peace Foundation ang maging Solar Generated Class ang mga paaralang walang suplay ng kuryente
Ayon naman kay Aldrin Nituma ang Executive Director ng Global Peace Foundation na nais nilang matulungan ang komonidad sa ikauunlad nito at ukol narin sa kabuhayan ng mga residente doon lalo na ang mga kabataan.
Ang Samsung Philippines naman ay may programa na tinawag nilang na Samsung Smart Classroom na sinimulan noong 2013 .
Ito ay naglalayon na matulungan ang mga eskwelahan na hindi kalimitan na naaabot ng tulong at nalilimutan dahil sa malayong distansiya mula sa mismong bayan ng isang lugar.
Hindi lang regalo ang hatid ng Samsung kaszama narin ditto ang training para sa mga guro ukol sa paggamit at pagaalaga ng mga naturang gadget.
Nagbigay naman ng mensahe si Mayor Gamalla sa kanyang mga kababayan.