MATAAS NA PRODUKSYON NG GATAS NG KALABAW, TARGET NG PHIL. CARABAO CENTER
Ipinahayag ni Dr. Caro B Salces, Deputy Executive Director for Administration and Finance, Philippine Carabao Center, Science City of Munoz na target ng kanilang hanay na tumaas pa ang abilidad ng bansa na mag produce ng gatas ng kalabaw.
Sa 8th National Carabao Congress noong November 15, 2022 na ginanap sa DA PCC National Headquarters, sinabi ni Salces na tumaas na ang kanilang production sa nakaraang mga taon, at pinagsusumikapan pa nilang makapag-alaga ng mga kalabaw na mas malakas maggatas.
Tumaas umano ang milk demand sa bansa dahil dumami populasyon kaya nadagdagan ang umiinom ng gatas.
Kaya masigla ang kanilang grupo at nananawagan ang Phil. Carabao Center sa lahat ng kinauukulan na subukang mag-alaga ng gatasang kalabaw at padamihin ito.
Nasa 2.93-M na umano ang mga kalabaw sa bansa kung saan 40% ayon kay Salces ang mga babaeng kalabaw dito.
Sa Nueva Ecija ay nasa 20K aniya ang gatasang kalabaw.