SILING LABUYO LALONG UMAANGHANG DAHIL SA SOBRANG TAAS PRESYO NITO

Pumapalo na sa P480 ang kilo ng siling maanghang dito sa Sangitan Public Market, Cabanatuan City

Kaya halos pati mga mamimili ay hindi na kayang bumili ng per kilo pa tingi tingi na lamang kapag bibili ang mga ito.halos by piraso na ang benta ng mga tinder

P30 ang bawat supot meron ding halos 4 na piraso ay sampung piso

Ayon sa mga nagtitinda ang dahilan ng biglang pagtaas ng presyo nito ay dhil sa kakulangan ng supply nito..lalo na at halos lahat ng mga tanim na gulay ay pinadapa noong nakaraang bagyo

Kaya apektado pati mamimili..dahil inaasahang aabot pa ulit ito sa 1 libo bawat kilo

Hindi lamang siling pula ang tumaas .

Inaasahang tataas ng tataas din ang presyo ng sibuyas ngayon na pumapalo narin sa P250 hanggang P280 bawat kilo kaya naiiyak narin ang mga mamimili dahil nagkukulang narin ng supply

Dito sa sangitan market ang pinakamalaking bagsakan ng mga gulay ,mula baguio,nueva vizcaya at ang mga local ng gulay mula Gabaldon, Bongabon,Caranglan at sa ibat ibang bayan ng Nueva Ecija

Dinarayo din ito ng mga taga Divisoria, Marikina, Quezon City at mga Siyudad sa metro manila dahil mura at hindi na nila kailangan umakyat pa sa Baguio para mamimili ng gulay..

Maging mga ibat ibang bayan sa lalawigan dito narin namimili ng mga gulay para ibinta sa palengke

Gaya nalang ng sitaw na mabibili lamang pag bultuhan ng 20 pesos per tali pero pag dating na sa palengke ay nasa 40 nalang bawat tali.

Sa bawang ay nasa P75
Kalamansi P60
Petchay P30 part
Broccoli P120
Kamatis P35 to P40
Di hamak na mas mura dahil sa kabilang palengke halos nasa P80
Replyo P65
Patatas P90
At itong puting sibuyas ay may namataan na tayo dito .nasa P200 to P220 bawat kilo na dating umabot sa P500 bawat kilo

Noong lunes umano dumating ang imported na puting sibuyas galing China.
Kasama ang bawang
Pagdating naman sa frozen na baboy ay nasa P280 bawat kilo at sa manok mas mura nasa P160 bawat kilo