PAGSASAMA NA IPINAGLABAN DAHIL SA PANINIWALA SA SALITA NG PANGINOON, TAMPOK SA COUNT YOUR BLESSINGS
Ibinahagi ni Dra. Arsenia Aromin sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Cherry Domingo-Umali at Dra. Kit, kung paano niya napanagumpayan ang naging dagok sa kanyang buhay may asawa kung saan nalulong sa drugs ang kanyang mister.
Kwento ni Dra. Arsenio kay Dra. Kit at guest co-host na si Joy Senados, nagsisimula pa lamang sila ng kanyang mister sa pag buo sa kanilang pamilya ng malulong ito sa ipinagbabawal na gamot, isang problema na hindi niya matanggap kaya naman in denial pa siya sa loob ng mahabang panahon.
Mabigat man ang pasanin ay tumawag sa panginoon si Dra. Arsenia at dito siya humingi ng lakas upang mapanagumpayan ang pagsubok sa kanilang buhay.
Bagaman pumanaw na ang kanyang mister dahil sa karamdaman ay nagpasalamat pa rin ni Dra. Arsenia dahil napanagumpayan nila ang pagsubok na dala ng droga bago ito namaalam.
Dahil din dito ay natuto siyang itiwala ang lahat sa Panginoon lalo na sa oras ng matinding pagsubok.