FARM MACHINERIES, IPINAGKALOOB SA MGA KOOPERATIBA NG NUEVA ECIJA
Pinangunahan ni Vice Governor Doc Anthony Umali ang pamamahagi ng mga makinarya para sa rice and corn program ng Office of the Provincial Agriculture under the Department of Agriculture na ginanap sa old capitol compound noong nakaraang November 10, 2022.
Naipamahagi sa mga samahan ng mga magsasaka sa lalawigan ng nueva ecija ang
2 tractora
4 na bomba sa patubig
Para sa corn program
1 tractora
1 rice harvester
7 shallow tubeweel o patubig naman para sa mga rice farmers
Dahil umano sa magandang ugnayan ni Governor Aurelio at Vice Gov Doc Anthony Umali sa Department of Agriculture ay naisakatuparan ang pangarap ng mga magsasakang Novo Ecijano na magkaroon ng sariling makinarya ang mga cooperatiba at samahan ng mga magsasaka sa lalawigan.
Sa direktiba ni Governor Umali, inatasan ang opa na bumaba at puntahan ang mga local na pamahalaan nglalawigan, mga Cooperative at samahan ng mga magsasaka upang gabayan at maasikaso ang mga pangunahing requirements.
Iwas dagdag gastos ito sa mga magsasaka sa pagpunta sa region para sa pag-aasikaso ng kanilang mga papeles dahil mismong OPA na ang pumupunta sa Regional Office upang masiguro na maayos ang lahat ng kakailanganin at agad na maipasa ito at makatanggap sila ng makinarya.
Ayon pa kay Valdez, napakahalaga ng mga makabagong makinarya sa pagsasaka ngayon lalo na itong rice harvester dahil naaagapan ang mga aanihing palay kapag may paparating na bagyo.
Ganon din ang mga tractora para sa kanilang land preparation ay napakalaking tulong din sa asosasyon na may sarili na silang gamit para mabawasan ang kanilang gastos sa pag-aararo.
Kaya panawagan niya sa mga magsasaka na nais maisama sa mga programa ng Department of Agriculture ay makipag-ugnayan sa kanilang LGU at Department of Interior and Local Government.
Mensahe naman ng Bise Gobernador na huwag mawalan ng pag-asa sa nararanasang mga bagyo at pagkasira ng kanilang mga pananim, huwag silang hihinto sa pagtatanim ng palay, at ipagpatuloy sana nila ito dahil hindi lamang mga Novo Ecijano ang umaasa sa kanila kundi pati ang buong bansa .
Kaya pangako nila ni Gov Oyie na lahat ng biyaya na kaya nilang ipagkakaloob ay ibibigay nila.
Pasasalamat naman ang nais ipinaaabot ng pangulo ng samahang Magsasaka ng Kaputikan,Talavera sa natanggap na rice harvester.