Binigyang pugay ng NEPPO sa pamumuno ni Acting Provincial Director PSSUPT Antonio Yarra ang mga kababaihang pulis sa pamamagitan ng paggawad ng pagkilala sa kanilang hindi matatawarang paglilingkod sa bayan.
Sa ginanap na programa noong March 6, 2017 bilang pakikiisa sa Women’s Month, nagsilbing Guest of Honor and Speaker si Cabanatuan City Prosecutor Carolyn Dumlao-Amis.
Matapos ang flag raising ceremony NEPPO Headquarters, isa-isang ipinagkaloob nina PD Yarra at Fiscal Amis sa 1o natatanging babaeng opisyal mula sa apat na istasyon ng pulisya ng lalawigan ang Plaque of Appreciation and Presentation of Memento.

Sina Fiscal Carolyn Dumlao-Amis at NEPPO PD Antonio Yarra.
Kabilang sa mga kinilala sina PO3 Noemi Gogotano, PO1 Jovelyn Lea, PO1 Charlaine Rose Ventura ng Rizal Police Station dahil sa pagkakaaresto kay Jayson Ducusin y Vidal na may kasong Rape in relation to Republic Act 7610.
PO2 Maricel Dayupay, PO1 Liza Garcia, at PO1 Sarah Mae Manayao ng Penyaranda Police Station resulta ng pagkakahuli kay Roman Manahan y Dela Cruz na lumabag sa Section 11 of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
PO3 Aiza Alcantara ng Talavera Police Station pagdakip kay Junifer Espiritu dahil sa paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
PO1 Lizeth Gia Juan, PO1 Ruby Ann Da Jose, at PO1 Jevilyn Catacutan ng Jaen Police Station bunga ng pagkakaaresto kay Roderick Ison y Ramos na lumabag sa RA 10591.-ulat ni Clariza de Guzman