SENSITIBONG BALITA

PRINCIPAL, VLOGGER, LIMA PA, DINAKIP DAHIL SA KARERA NG KALAPATI

Sanhi ng banta ng bird flu ay dinakip ng mga awtoridad ang pitong katao dahil sa pustahan sa karera ng kalapati sa isinagawang anti-gambling operation noong November 4, 2022.

Kabilang sa mga suspek ang isang school principal na presidente ng Central Luzon Pigeon Racing Club na residente ng Barangay Calaba, San Isidro, vlogger mula sa San Roque, San Leonardo, dalawang kolektor ng taya, at tatlong tumaya.

Sa isang panayam kay Nueva Ecija Provincial Police Director Richard Caballero, isang concerned citizen ang tumawag sa istasyon ng pulisya ng San Isidro at iniulat na may nagaganap na pustahan sa Calaba.

Nahuli umano sa akto ang mga suspek sa paglabag sa Presidential Decree 1602 o Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling.

Buwan ng Hulyo ngayong taon nang mag-isyu ng advisory ang Bureau of Animal Industry kung saan nakasaad na ban sa bansa ang pigeon racing upang maiwasan ang pagkalat ng avain influenza sa mga ibon at manok.