MGA LOKAL NA PRODUKTONG GAWANG NOVO ECIJANO, IBINIDA SA TRADE FAIR

Muling bumida ang MSMEs O Micro Small and Medium Enterprises sa DTI Negosyo Center Trade Fair na may tagline na “Gawang Novo Ecijano Alagang NC ‘to!”

Ginanap ito sa Main Atrium, NE Pacific Mall, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Nobyembre 2-6, 2022.

Sa nasabing trade fair ay pinangunahan ito ni DTI PD Richard V.Simangan sa cutting of Ribbon at nagkaroon ng Grand din ng parade and drum beating na umikot sa loob ng Pacific mall dala-dala ng mga young entrepreneur ang kanilang ipinagmamalaking mga produkto.

Nagkaroon din ng mga crafts demo ng iba’t ibang produkto upang ipakita ng mga exhibitor kung papaano ang proseso at maituro rin sa iba ang kanilang mga ginagawa.

May kabuuang 33 food and non-food micro and small enterprises (MSEs) na tinutulungan ng Negosyo Centers sa lalawigan ang lumahok bilang exhibitors.

Ang mga kalahok sa crafts demo ay mga mamimili, exhibitors, mga opisyal at miyembro ng mga organisasyon ng kabataan mula sa iba’t ibang paaralan sa ilalim ng DTI Youth Entrepreneur program.

Kasama rin ang Micro and Small Enterprises mula sa Districts 3 at 4 na tinulungan ng DTI Negosyo Centers sa kanilang mga produkto tulad ng processed foods, souvenirs, fashion accessories, home and living products.

Layunin ng nasabing programa na magbigay ng lugar para sa NC-assisted micro at small entrepreneurs upang ipakita ang mga produktong homegrown, palawakin ang kanilang mga merkado, at hikayatin ang pagbangon ng ekonomiya.

Meron ding nakahandang programa ang DTI Nueva Ecija na Pre-Christmas Diskwento Caravan sa Dec.2 and 3 mula alas 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon na gaganapin sa Plaza Concepcion Palayan City kung saan up to 30% discount ang handog para sa mga basic prime commodities, noche buena products, clothing, slippers, processed foods, home decors and many more.