Hindi nakaligtas sa Land Transportation Office (LTO) Cabanatuan City, ang mga pasaway na motorista na lumabag sa batas.

     Isa sa mga nabwenamanuhan ay itong si kuya na pinara ng LTO, dahil bukod sa higit sa dalawa ang kanyang pasahero ay wala ding nakalagay na side mirrors sa kanyang motor.

     Pamaya-maya pa ay kinumpiska na ang plaka ng kanyang motor, dahil napag alaman na wala din pala siyang lisensiya.

     Hindi rin nakawala itong binatilyo na si Kurt na nahuling nagmamaneho ng wala pa sa edad na disi-otso.

      Kakamot-kamot na lang din ng ulo ang mga driver na pinara ng LTO dahil sa hindi pagkakabit ng seatbelt.

     Ang palusot ng mga nahuli ay nakakaligtaan umano nila ang pagsusuot nito. Kalimitan ding hinuhuli ay ang mga motoristang nagmamaneho na hindi nakasuot ng helmet.

     Sinita din ng otoridad ang mga sasakyang mayroong nakakabit na led lights o blinker.

     Ipinaalala naman ni Ferdinand Ison Public Assistance and Complain Desk Officer ng LTO Cabanatuan, na isama na sa kanilang pagpaparehistro ang mga nakakabit na top box sa likod ng kanilang motorsiklo. -Ulat ni Danira Gabriel