MGA PROYEKTO PARA SA 5% DRRM FUND NG MGA BAYAN, LUNGSOD NG NUEVA ECIJA, INILATAG
Nagsagawa ng apat na araw na review ng Local Disaster Risk Reduction Management Plan And DRRM Funds Investment Plan ang mga City at Municipality sa Lalawigan ng Nueva Ecija para sa taong 2023 na ginanap sa Sierra Madre Suites Palayan City noong Oktubre 17 hanggang 20, 2022.
Alinsunod ito sa R.A. 10121 Or Philippine DRRRM Act Of 2010 upang matiyak na ang Annual Investment Program ng mga Local Government Unit ay nakalinya sa kanilang Comprehensive Local DRRM Plan para magamit nang tama ang pondo na nakalaan sa pagtugon at pamamahala sa sakuna o kalamidad.
Sa nasabing aktibidad, iniulat ng bawat bayan at siyudad ang pagagamitan ng pondo batay sa 4 thematic area; ang Disaster Prevention and Mitigation; Disaster Preparedness; Disaster Response; at Disaster Rehabilitation and Recovery sa harap ng review team na binubuo ng DILG, OCD, PSWDO, PBO, PPDO at PDRRMO.
Paliwanag ni Jan Auxillos ng Office of Civil Defense Region 3, ang review ng plano at paglalaanan ng pondo ay ginagawa bawat taon, hindi lamang sa mga lalawigan kundi sa buong bansa at mga barangay para sa approval ng kanilang 5% fund kada taon, gaya ngayon na for Fiscal Year 2023.
Kailangan umanong malaman kung nagagawa ang PPAS o PROJECTS, PROGRAMS, AND ACTIVITIES, kung saan ilalaan at gagamitin ang kanilang 5% DRRM FUND at masiguro na nasusunod nila ang kanilang mandato at guidelines na ibinababa ng Pamahalaang Nasyunal na isinasaad sa RA.10121.
Ayon kay PDRRMO Michael Calma, nakakasunod ang Nueva Ecija sa itinatakda ng batas dahil ang Provincial Level ay dumadaan sa evaluation sa Regional Level kaya dapat na naka-allign ito doon.
halimbawa aniya ang Bayan ng Carranglan na landslide prone area na dapat pagtuunan ng pansin ng Provincial and Municipal DRRMO.
Dagdag ni Calma, kailangang nakahanda doon kapag may kalamidad tulad ng Bagyo sa pamamagitan ng pagbili ng equipment para sa Mitigation and Prevention ng Risk sa nasabing lokalidad.