NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS, TINALO ANG PASIG CITY

Patuloy ang pagdomina ng Vanguards sa MPBL matapos na talunin ang Pasig City na mayroong 13 panalo at 6 na talo sa kanilang laban noong September 28 sa score 77 to 66 para makuha ang 20 wins at wala pang talo out of 22 teams sa elimination round single robin.

Hinirang na Best Player of the Game si Michael Mabulac na may 18 points, 4 rebounds and 1 assist.

At mamaya sa Nueva Ecija Coliseum nakatakdang maglaban sa 1st game 5pm ang Imus Bandera VS Bacoor.

Sa 2nd game 7 pm Manila VS Gensan

At sa main game ang pang huling laro ng Nueva Ecija laban sa Batangas City na nangunguna rin sa team standing ng South Div. na may 16 panalo at 3 talo.

Isa rin itong Batangas sa malalakas na team kaya mga Novo Ecijano see you mamaya para suportahan ang Nueva Ecija Rice Vanguards na maitala ang record na walang talo sa MPBL 2022 elimination rounds.