Simentado na ang dating maputik at malubak na mga daan sa Purok Champaca, Barangay Dicarma, Cabanatuan City.
Sa kwento ng mga residente ng nasabing barangay, pahirap umano lalo na sa mga pumapasok na estudyante at empleyado ang pagdaan sa mga eskinita, lalo na kung katatapos lamang bumagsak ng ulan.
Isa si Aling Carmelita, sa mga natuwa sa proyekto.
Ang Concreting Pathway ay isa sa proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan, sa ilalim ng programang Bayanihan Project. Kung saan, magtutulungan ang kapitolyo at mga tao sa barangay upang maisakatuparan ang proyekto.
Ang mga materyales ay magmumula sa Provincial Government habang ang mga residente naman ay magtutulungan sa paggawa ng mga daan.
Sa katunayan, 200 metro lamang ang hinihiling na mapasemento ng mga residente. Ngunit, halos 300 metro na ang nagawa at napa-ayos ng programa.
Bukod dito, nauna ng napagawan ng Gym ang dicarma, na hanggang sa ngayon ay lubos na pinapakinabangan ng barangay.-Ulat ni Danira Gabriel